paalam, ka bel
Nilisan mo man itong daigdig
tinig mo’y patuloy na maririnig
Lulan ng mga himig mong alay
na lipos ng pag-ibig
Pag-ibig sa bayang sayo’y nagluwal
at sa manggagawang labis mong minahal
ang tulad mo ay d malilimot
Habang kami ay narito
Marami pang dapat imulat Kasama
Lipuna’y puno ng problema
sa pagtigil ng tibok ng puso mo
Kami ang magpapatuloy….
So long, my idol, my grandfather, you have shown us how it is to be a working class hero. you have shown the world the true service to the people. may we have the strength you had to continue the struggle!

















